By Herminio “Datu” Mendoza
Ang sabi nga po ay maraming salamat at tayo’y nagkita.
Matagal nang araw na hinahanap ka.
Ang atay, puso ko’y laon nang nalanta;
Ito’y nanariwa ng tayo’y magsama.
Ang Bayan ng Infanta
Kayong taga rito ay magkakanayon;
May iisang mithi at iisang layon.
Nakitang tahimik sa dagat’t pasulong;
Ang bayan ng Infanta sa unang panahon.
Ang bayan ng Infanta’y di lamang malinis;
Subalit sagana sa pagkain iibigin.
Gulay sa bakuran at palay sa bukid;
Hayop na alaga pagkain ang hatid.
Bukid ng palayan ang hatid ay bigas;
Gulay sa bakuran sariwa’y may katas.
Hayop na alaga may itlog may gatas;
Ito ay may karne panghandog sa lahat.
Ang bayan ng Infanta ay dapat tularan;
Nang purok, nang nayon, nang buong lalawigan.
Upang ang pagkain sumaganang tunay;
Mga katutubo makasalo naman.