Ni Dr. Josephine Agapito
Mga 50 species ng hayop ang Critically Endangered ang estado kasi
Nawa ay maaksyunan itong mabuti
Magtulong -tulong ang lahat
Para ang extinction ay di mangyari
Dicaeum quadricolor ang siyentipikong ngalan
Cebu Flowerpecker ang sa Ingles ay katawagan
Frugivorous pagkat mga prutas ang nakahiligan
Ficus at mistle toe na Loranthus ang halimbawa ng plants
Uri din ito ng ibong passerine kung tawagin
Maliit lang ang grupo at nanganganib na rin
Sa pagkasira ng gubat tahanan nila ang suliranin
Isa sa kailangang maprotektahan sa pagka-extinct
May sukat na 11 hanggang 12 sentimetro ang ibon
Magkaiba ang lalaki sa babae sa kulay na mayroon
May malaking pa tatsulok na mapusyaw na pula ‘yon
Sa may likuran ay kulay medyo berde ang balahibo doon
Makintab na itim sa may leeg, tabihang pakpak at buntot
Samantalang sa gitna ng tiyan ay may matingkad na pula
Kulay puti sa natitirang bahagi ng tiyan at sa pakpak sa loob
Olive green sa may buong katawan ang nakapalibot
Kung babaeng ibon naman ang sadyang mamasdan
Sa may likod nito ang kulay naman ay brown
Ang bahaging may ulo ay olive green ang masisilayan
Ganun din sa may pakpak pero di matingkad kung titingnan
Olive yellow sa may mismong papuntang buntot
Sa dibdib ay puti na may olive yellow ring kasunod
Pareho ng kulay sa may tiyan pero matingkad itong lubos
Balahibo sa ilalim ng balikat ay may puting kulay sa loob
Pinaniniwalaang isa sa sampung pinakakakaibang ibon (rarest)
Na talagang kakaunti na ang bilang sa ngayon (less than 100)
Mas patuloy pa ang pagkabawas sa kasalukuyang panahon
‘Pagkat kagubatang tirahan ay nabubulabog ng modernisasyon
Kaya naman kung maaaring pagtuunan nang pansin
Lokal na pamahalaan at komunidad sa Cebu ay alamin
Estado ng ibon ay dapat na mabigyang pansin
Critically Endangered na at nawa ay maisalba pa natin