“Ang Philippine Tree Squirrel” (Poem in Filipino)

April 1, 2020

Ni Dr. JD Agapito

Squirrel ay hayop na may balahibo
Kasama sa Class Mammalia ito
Phylum Chordata kung lawakan mismo
Subphylum Vertebrata para mas kumpleto

Order Rodentia ang sunod na kategorya
Sciuridae naman ang tawag sa pamilya
Dahil sa sukat na medium sized nga sill
Pero may endemic na dito lang nakatira

Squirrel kasi ay iba-iba ang uri o tipo
Pero Philippine Tree squirrel ang pokus natin dito
Palawan Red tailed, Southern o Northern Tree squirrel din ang tawag mismo
Bising ang lokal at Sundasciurus philippinensis kung siyentipiko

Makikita ito sa iba’t ibang lugar sa bansa
Palawan, Samar, Bohol, Leyte, Dinagat, Basilan 
Siargao o sa iba pang lugar sa kamindanaoan
Pero banggitin nating endemic nga iyan

Sukat nito ay may anim na pulgada
Ganun din halos ang sukat ng buntot niya
Di gasinong makapal ang balahibo talaga
Kumpara sa mga squirrel na sa ibang bansa nakikita

Kulay mapusyaw na pula ang balahibo
Kaya madali na makita ang hayop na ito
May 2 pares na ngipin sa itaas at ibaba mismo
Na matalas kaya ingat din sa kagat nito

Kilalang aktibo at sinasabihang peste 
Dahil sa ngatngat nang ngatngat parati 
Mga prutas at mga mani ang hilig nila kasi
Kaya sa mga sakahan ay problemang malaki

Kaya ang uring ito na squirrel ay sa puno nakatira
Sa mga kakahuyan at minsan ay sa bakawan makikita
Lalo na kung low tide ay mamamalas talaga
Aktibo, mailap at sensitibo rin sa ingay kumbaga

Kung estado sa red list ang pag-uusapan 
Least concern o di nakakabahala ang bilang
Pero di dapat na maging batayan
Na ang Philippine Tree squirrel ay di natin ingatan