Ni Dr. Josephine Agapito
Coral ay uri ng hayop sa ilalim ng dagat
Nakatira sa tubig na sadyang maalat
Kingdom Animalia, Phylum Cnidaria ang itapat
Class Anthozoa, Hexacorallia at Octorallia ang sa
Subclasses ay tawag
Corals din ang bumubuo ng coral reef
Ang bawat isang istruktura ay polyp
Pero pag nagkumpol na ang tawag ay colonies
Nagpapatigas dito ay ang calcium carbonate
Ang polyp na tinatawag ay ilarawan
Maliit lang ito at may butas sa unahan
Nakapalibot dito ang tentacles na yan
Mga dumi ng metabolismo ay doon din dumadaan
Asexual o sexual reproduction ay pwede
May nakatira din sa tisyu nila na algae
Zooxanthellae ang terminong sinasabi
Ugnayan ng dalawang organismo ay mabuti
Maraming uri ng corals sa dagat
Pero tatlo ang dito ay ilalarawang ganap
Mushroom, Pearl bubble at Elegance ang tawag
Estado sa IUCN red list ay ihahayag
Mushroom coral ang ating unahin
Order Scleractinia, Family Fungidae
Heliofungia ang genus at actinoformis ang species name
Sa di kalalimang bahagi ay matatagpuang magaling
Heliofungia actinoformis ay nag-iisang species
Nakadikit ito sa ilalim ng dagat kapag ka maliit
Pero kalaunan ay natatanggal at free living ang hirit
Pabilog o hugis oval kung titingnan ang hugis
Sa Indian ocean at Indo Pacific region ay nakikita
Sa Australia, Japan at sa China sea na mga isla
Kinokolekta at sa aquarium trade ay sobrang mabenta
Kaya ang estado sa IUCN Red list ay Vulnerable ang nakalista
Sunod ang Pearl Bubble Coral or grape coral kung tawagin
Octobubble at Small bubble coral ay ginagamit din
Physogyra at Plerogyra ang dalawang genus name
Na masasabing may kasikatan sa coral trade kung tutuusin
Itsura ng mga corals ay parang mga bula
Pwede ring parang ubas na sadyang nakakamangha
May kulay berde, puti, dilaw na nakakatuwa
Pear bubble ang tawag dahil sa sukat ay maliit nga
Sa Red sea, West Pacific Ocean ay marami
Malimit din itong alagaan sa mga aquarium kasi
Epekto ng climate change ay sadyang matindi
Near Threatened ang estado sa IUCN Red list na sinasabi
Isunod ang Elegance coral na kay gandang tingnan
Catalaphyllia jardinei ang siyentipikong ngalan
May iba’t ibang kulay na kaakit – akit pagmasdan
Sa ilalim ng dagat ay mahirap na makaligtaan
Wonder coral o Ridge coral ang ibang tawag
Malawak ang distribusyon sa ilalim ng dagat
Isa itong uri ng coral na malaki ang sukat
Siempre may zooxanthellae na kaugnay dapat
Hipon, krill, mysis at iba pang isdang maliliit
Kaya masasabing sa pagkain ay mahilig
Kung sa estado sa IUCN ay talagang nanganganib
Endangered coral species na dapat na masagip
Mga corals na dito ay sadyang binabanggit
Napakarami pa na dapat ay di na manganib
Ambag ng bawat isa sa pagprotekta ay ninanais
Nasa mga tao ang kanilang pananatili sa daigdig