Loading... 0%

Sep 1, 2016

Hayaang lumaki at makapangitlog ang mga isda sa dagat

Nitong nakaraan Oktubre ipinagdiwang ang Fish Conservation Week. Kasabay nito, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay naglunsad ng mga kampanyang humihikayat sa pagtutulungan sa pangangalaga ng ating mga pangisdaan.

Nitong nakaraan Oktubre ipinagdiwang ang Fish Conservation Week. Kasabay nito, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay naglunsad ng mga kampanyang humihikayat sa pagtutulungan sa pangangalaga ng ating mga pangisdaan.

Ni Rodolfo Reyes Jr., FishBase Information and Research Group, Inc.
Oct-Nov 2014

Nitong nakaraan Oktubre ipinagdiwang ang Fish Conservation Week. Kasabay nito, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay naglunsad ng mga kampanyang humihikayat sa pagtutulungan sa pangangalaga ng ating mga pangisdaan. Pinapalawak din ang kaalaman ng publiko sa mga pakinabang mula sa yamang pangisdaan at sa mga kaakibat na problemang kailangang tugunan.

Ang BFAR ay may mandatatong tagapangasiwa at tagapangalaga ng mga yamang pangisdaan. Ito ang pangunahing nagbabalangkas at nagpapatupad ng mga polisiyang tumitiyak sa maayos at pangmatagalang pakikinabang sa yamang pangisdaan.

Isa sa mga programa ng BFAR na malimit mabasa sa mga pahayagan ay ang pansamantalang pagbabawal sa panghuhuli o “close season” ng ilang uri ng isda, katulad ng tamban at galunggong. Sa mga nakaraang taon may mga buwan na ipinagbawal ang panghuhuli ng tamban sa ilang mga pangisdaan sa bansa. Marami ang nagmamasid at nagtatalakayan tungkol sa programang ito, dahil ito ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda at sa dami ng nabibiling isda sa mga palengke. Ang tamban at ang galunggong ay ang pinakaabot-kayang uri ng isda na binibili ng marami.

Ano ba ang batayan ng taunang “close season” sa panghuhuli ng ilang uri ng isda? Halimbawa, ano ang pinagbabatayan ng BFAR sa taunang “close season” sa panghululi ng tamban sa ilang mga pangisdaan mula Disyembre hanggang Pebrero? Ano ba ang inaasahang pakinabang nito?

Hayaang lumaki at makapangitlog ang mga isda. Ang malalaking isda ay higit ang naibibigay na pakinabang kaysa sa mga batang isda.

Karamihan sa ibat-ibang uri ng isda ay mayroong eksakto at maigsing panahon ng pangingitlog taon-taon. Ito ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsusuri ng huling isda buwan-buwan sa loob ng isang taon at pagtukoy sa panahon kung kalian pinakamarami ang mga isdang may taglay na itlog.

Ito ang tinatawag na “spawning season”. Marami sa mga isda sa Pilipinas ay nangingitlog simula sa buwan ng Pebrero hanggang Hunyo. Kasama rito ang mga tamban na nangingitlog mula Oktubre hanggang Abril ng kasunod na taon. Maraming uri ng tamban ang matatagpuan sa Pilipinas. Tatlo rito ang kasama sa taunang tatlong buwang “close season.” Ang una ay ang Sardinella fimbriata na kilala rin sa tawag na tunsoy, law-law, tabagak, tamban, at lupoy. Ang pangalawa ay ang Sardinella albella na kilala rin sa tawag na halobaybay, tamban lapad, tamban, at lupoy. Ang pangatlo ay ang Dusumieria acuta na kilala rin sa tawag na balantiyong, hilos-hilos at tulis. Ang mga ito ay hinuhuli ng mga maliliit na mangingisda at ipinagbibili sa mga palengke at ng mga malalaking komersyal na mangingisda at ginagawang delatang sardinas.

Ayon sa mga pag-aaral nakakatulong sa pangmatagalang pagpapanatili ng populasyon ng mga isda ang hayaan silang lumalaki at makapangitlog bago mahuli ng mga mangingisda. Ang mga napangitlog na mga isda sa isang taon ay siya namang isdang mahuhuli sa sumusunod na taon. Dagdag pa rito, higit na malaki ang timbang na napapakinabangan kung ang mga isda ay huhulihin lamang kapag sila ay malalaki na at hindi na mga batang isda. Ang “close season” sa paghuhuli ng tamban mula Desyembre hanggang Pebrero ay batay sa mga kaalamang ito.

Sa pangkalahatan, mayroong obserbasyong dumarami ang huli ng mga maliliit na mangingisda at maging ng mga malalaking komersyal na mangingisda sa nakaraang tatlong taong pagpapatupad ng tatlong buwang “close season.” Hindi nakapagtataka na ang mga mangingisda ay nakikipagtulungan sa BFAR sa pagpapatupad nito. Patuloy ang pag-aaral at pagkalap ng datos ukol sa mga isda. Hindi malayong sa hinaharap ay lalo pang mapahusay ang pangangalaga sa populasyon ng tamban sa ating mga pangisdaan, tungo sa pagtitiyak sa matagalang pakikinabang natin sa likas na yamang ito.

ECOKNOWS Project

Ang ECOKNOWS Project na pinondohan ng European Union ay naglalayong lumikha ng mga pamamaraan ng pagaanalisa at pagtatasa ng populasyon ng ibat-ibang uri ng isda gamit ang pinagsamang kaalaman ng eksperto at datos – ang Bayesian analyses. Ang pamaraang ito ay lubhang kapakipakinabang sa mga pangisdaang salat sa datos. Sa pamamaraang Bayesian, maging ang mga pangisdaang salat sa datos ay maaanalisa at mabibigyan ng batayang magagamit sa pagbalangkas ng mga polisiya. Ang pangisdaan ng tamban sa Pilipinas ay isa lamang sa maaring paglapatan ng kaalaman at datos na makakalap sa proyektong ito.

Help us protect
more communities

Array
(
    [0] => stdClass Object
        (
            [id] => 15
            [form] => 
            [form_type] => 
            [type] => Amount
            [value] => 150
            [parent_id] => 0
            [sub_type] => 
            [sub_value] => 
            [sub_cat_img] => 
            [sub_cat_age] => 
            [no_of_seedling] => 0
            [amount] => 0.00
            [description] => 
            [order_number] => 
            [created] => 2023-01-30 14:15:10
            [modified] => 2023-04-13 14:13:10
            [author_id] => 1
            [is_deleted] => 0
        )

    [1] => stdClass Object
        (
            [id] => 16
            [form] => 
            [form_type] => 
            [type] => Amount
            [value] => 500
            [parent_id] => 0
            [sub_type] => 
            [sub_value] => 
            [sub_cat_img] => 
            [sub_cat_age] => 
            [no_of_seedling] => 0
            [amount] => 0.00
            [description] => 
            [order_number] => 
            [created] => 2023-01-30 14:15:15
            [modified] => 2023-09-15 16:39:48
            [author_id] => 1
            [is_deleted] => 0
        )

    [2] => stdClass Object
        (
            [id] => 17
            [form] => 
            [form_type] => 
            [type] => Amount
            [value] => 1000
            [parent_id] => 0
            [sub_type] => 
            [sub_value] => 
            [sub_cat_img] => 
            [sub_cat_age] => 
            [no_of_seedling] => 0
            [amount] => 0.00
            [description] => 
            [order_number] => 
            [created] => 2023-01-30 14:15:22
            [modified] => 2023-09-15 16:39:59
            [author_id] => 1
            [is_deleted] => 0
        )

    [3] => stdClass Object
        (
            [id] => 18
            [form] => 
            [form_type] => 
            [type] => Amount
            [value] => 5000
            [parent_id] => 0
            [sub_type] => 
            [sub_value] => 
            [sub_cat_img] => 
            [sub_cat_age] => 
            [no_of_seedling] => 0
            [amount] => 0.00
            [description] => 
            [order_number] => 
            [created] => 2023-01-30 14:15:22
            [modified] => 2023-09-15 16:40:09
            [author_id] => 1
            [is_deleted] => 0
        )

)