Ni Dr. Josephine Agapito
Bansang Pilipinas ay biniyayaan
Mga pulong bumubuo ay mayaman
Kaya dito sa tula ay ating ilarawan
Philippine Fruit Bats ay ating titingnan
Sa salitang Ingles ang paniki ay bats
Fruit bats dahil kumakain ng prutas
Sa Class Mammalia ay kasamang ganap
Order Chiroptera, Family Pteropodidae ang tiyak
Mammalia dahil mayroong balahibo
Salitang ugat na pteros ay mayroong pareho
Tumutukoy sa pakpak na mayroon ang grupo
Kakaiba sa ibon ang istruktura ng pakpak nito
Patagium ang tawag sa pakpak na manipis
Sa paglipad ng paniki ay siyang ginagamit
Gliding o yung banayad ang paglipad na higit
Tanging grupo ng mammal na paglipad ang nais
Mga fruit bats ay kasama sa Family Pteropodidae
May 23 species at ang 14 nito ay endemic
Ang large flying foxes naman ay may 8 species
Acerodon at Pteropus ang generang mababanggit
Acerodon jubatus o Giant golden crowned flying fox
Tinatawag ding golden capped fruit bat
Sobrang malaki kaya megabat dahil sa sukat
Ilang katangian ay sasabihing ganap
May malalaki at matalas na mga mata
Patulis din ang hugis ng isang pares ng tainga
Ngipin ay matitilos mapwera sa 2 bag-ang niya
Kukong matilos sa daliring pangalawa
Frugivore dahil prutas ang kinakain
Mahaba ang wingspan kung susukatin
Dimorphic pagkat malaki ang lalaki sa tingin
Kulay ng balahibo ay kape at itim
Hindi rin nila kaya ang echolocation
Yung umaasa sa pandinig upang pumaroon
Bagkus mata ang gamit sa nabigasyon
Mas aktibo sa gabi kaya nocturnal kung ganoon
Tatlo ang subspecies nito at isa ay extinct
A. jubatus lucifer ang nawala na sa daigdig
Mayroon pang A. jubatus jubatus at A. mindanensis
Pero genus Pteropus ay dapat mabanggit
Kasama ito sa grupo ng giant flying foxes
Malaki rin ang sukat ng vampyrus na species
Katamtaman ang hypomelanus at maliit ang pumilus
May lecopterus at speciosus na kulang pa sa datos
Distribusyon nito ay nasa mga kabundukan
Sa Negros, Panay, at Kamindanawan
Populasyon din ay patuloy na nababawasan
Endangered ang IUCN status sa kasalukuyan
Kaya patuloy nating tutukan ang pagkonserba
Sa mga hayop nating umuunti na talaga
Malaki ang nagagawa ng edukasyon at kampanya
Habang hindi pa huli ‘pagkat may natitira pa
More reading: Are bats to blame for the coronavirus?