Ni Dr. Josephine Agapito
Kilalang isdang may kamahalan ang presyo
Tinatawag ng mga Filipino na Lapu-lapu
Pugaro o pugtong sa ibang dayalekto
Epinephelus lanceolatus kung siyentipiko
Pinakamalaking isda sa coral fishes na kategorya
Tinatawag na Giant grouper sa Ingles talaga
Brindle bass, brown spotted cod or bumblee bee grouper sa iba
Simbolong isda sa Queensland, Australia
Katangian ng isda ay malaki ang bibig
Kumakain ng maliit na pating at pagong ay nais
Marami pang uri o klase ng isda ang ibig
Sa mga coral reef sila naninirahang higit
Kulay kape na medyo nagiging berde
Kapag mas magulang o maedad na kasi
May dilaw na marka o batik batik na itim
Kapag ang lapu-lapu ay bata pa ang dating
Sa reproduksyon ay protogynous hermaphrodite
Lahat ay sadyang babae kapag isinilang
Pero nagiging lalaki ang iba sa kalaunan
Lalo na kung ang mga lalaki sa bilang ay kulang
May lunar cycle ang lapu-lapu na maoobserbahan
Aggregative Broadcast spawners sila kung ilarawan
Maraming grupo ng babae at lalake ay iilan
Tumatagal nang isang linggo ang cycle na iyan
Batay sa pag-aaral ng reproduksyon ng lapu-lapu
Pinakadominante ang babae sa unang dalawang araw ng Linggo
Susundan na i-fertilize ang itlog ng ibang mga miyembro
Kaya kahit yung pinakabatang lalaki ay nagiging aktibo
Data Deficient ang estado ng lapu-lapu sa kasalukuyan (IUCN)
Dahil sa overfishing o walang regulasyon sa pangingisdaan
Kaya nakakalungkot isiping sobrang bumaba na ang bilang
Sana di pa mahuli ang lahat bago sila’y mawala nang tuluyan
Want to share your creativity for the environment? Become a Haribon Member today!